Wednesday, October 7, 2009

The Story of Third Parties

(JULY 30, 2008 ENTRY--I think I've watched too many telenovelas before I wrote this)

A relationship is for two people only, but some bitches do not know how to count.

Noon ko pa to gustong isulat pero hindi ko alam paano isaad para makuha talaga ng mga salitang 'to kung ano ang nararamdaman ko.

WARNING: Sa sitwasyong ito, lalaki ang nanloko at babae ang tapat. Kung sino lang ang maka-relate.

Magsisimula ako rito: Kapag ikaw ang "legal" at tapat ka sa kapareha mo, ikaw ang pipiliin kahit ilang beses ka pa niyang niloko.

Bakit nga ba nagagawang manloko ng mga lalaki sa mga nobya o asawa nila?Madalas ko nang narinig na "walang time" ang asawa nila sa kanila, busy sa trabaho, hindi naalagaan. Kaya ayun, konting lingat mo lang eh naghanap na agad ng iba.

Tapos si third party naman eh tiwalang tiwala sa lalaking committed na at pumatol sa kanya. Dito nagsisimula ang katangahan at kagaguhan eh. Para sa third party na babae, ALAM MO NA NGANG MAY SABIT, eh bakit mo pa pinatulan? Kasalanan mo rin yan. Kahit ilang beses ka pang ligawan niyan, umiwas ka nalang sa mali sa halip na kumerengkeng sa kanya. Wala kang maaasahan sa kanya, dai!

At itong si babaeng legal, pag nalaman nang niloko pala siya ni lalake, ayun makikipagkita kay third party upang kausapin ito at upang malaman kung paano nagsimula ang kanilang bawal na pag-ibig. If there's anything worse, makikiusap siya rito or magmamakaawang layuan na ang kanyang nobyo. Pathetic. Courageous.

At si lalake naman, nalaman nang alam na pala ni legal wife na nanloko siya, eh hindi alam kung anong gagawin. Pag nabuko na, dito magkanda-leche leche ang lahat. Dito magaganap ang walang kwentang dramahan ni lalake at ni third party, kung bakit kasi pinasok pa nila ito at napaibig na sila sa isat isa. HELL. Pero temporary lang ito. Kung may konsensiya lang si third party ay makikiusap siya kay lalake na kalimutan nalang siya at gawin na nila kung ano ang tama.

So nagmove on na si third party.

Si lalake naman, ayaw na niyang saktan si legal wife, gusto na niyang ituwid at ayusin kung ano ang mga nasira niya. Kulang siya sa bilib sa sarili ngunit kailangan niyang maniwala na he could still win back legal wife. Kailangan niyang iprove na nagbago na siya.

Eh si legal wife? Kawawa dahil napakaparanoid na niya. Kahit nagbago na si lalake eh iniisip niya na kaya pa rin siyang saktan ni lalake, at hindi na niya kayang magtiwala pa. Masisisi ko ba siya? HINDI!

Kasi kung tutuusin, wala naman siyang ginawang mali. Kung tutuusin, naging tapat siya. What did she do to deserve all this sh*t?

So is it too late for the couple to fix things? Not if the guy really does his part to win his girl back. To prove to her in every way that what has happened in the past won't happen again. To heal the wound that he has caused. It will take time. But he has to do his part. On the other hand, the legal wife also has to be open-minded, to give the guy a chance if she sees that he's worthy of it.

I hope that there is always a HAPPY ending to stories like this. Or better yet, I just hope that their love simply WON'T END.

AT SYEMPRE, DAPAT WALA NANG MANGGUGULONG MGA THIRD PARTIES!

No comments:

Post a Comment